Gobyerno, hinihikayat ang pagsulong ng turismo sa Palawan

Matapos opisyal na mapabilang ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa New Seven Wonders of Nature, nararapat lamang na ipatigil ng gobyerno ang pagmimina sa Palawan at sa halip, isulong na lamang ang turismo.
 
Iminungkahi ito ni Puerto Princesa Bishop Pedro Agrino nitong Linggo sapagkat nangangailangan umanong protektahan at pangalagaan ang kalikasan.
 
“We don’t need mining because tourism alone, using the pristine beauty of nature of Palawan creates livelihood for the people without destroying the environment,” inihayag ni Arigo sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines sa isang plenary assembly sa Manila.
 
Aniya, panandaliang tulong lamang ang dala ng pagmimina sa Palawan, ngunit panghabang-buhay ang pinsala dulot nito sa mga katangi-tanging yaman -- tubig at lupa.
 
Ayon kay Arigo, patuloy pa ring susuporta ang Catholic Church at ibang organisasyon sa kampanya laban sa pagmimina at iba pang mga banta sa kalikasan.
 
“Mining operations there are ongoing. It’s just sad to say that our enemy (in this fight) is the government,” aniya.
 
Nitong Sabado, inanunsyo ni Berard Weber, president ng Zurich-based New 7 Wonders, ang pagkabilang ng PPUR sa world's seven new wonders of nature. Inihayag din niyang kabilang ang Jeju Island sa South Korea. Kasalakuyan pang sinusuri ang iba pang mga kalahok.
 
Saludo naman ni Arigo sa pagsisikap ng mga organisasyon at indibidwal na kumakampanya at bumoto upang mapabilang ang Palawan River sa New Seven Wonders of Nature.
 
“The truth is there was really a hard work and we in the Church also helped in the campaign locally and internationally,”  aniya. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
 
Source: GMA News